- BULGAR
47% ng mga Pilipino, hindi magpapabakuna
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 13, 2021
Noong Lunes, nagpatuloy ang pagtalakay ng Senate Committee of the Whole tungkol sa P72.5-billion COVID vaccination program ng pamahalaan.
Itutuloy ang naturang hearing ngayong Biyernes, Enero 15.
Umaasa ang pamahalaan na mabakunahan ang 60 hanggang 70 percent ng buong populasyon ng bansa para magkaroon ng “herd immunity.”
☻☻☻
Mahalagang tanungin sa gitna ng usaping bakuna kung ano ba ang balak gawin ng pamahalaan upang makumbinsi ang mamamayan sa kaligtasan ng bakuna.
Ayon sa Pulse Asia survey na may 2,400 respondents, halos kalahati o 47 percent ng mga Pilipino ang hindi magpapabakuna. 32 percent naman ang magpapabakuna, at 21 percent ang hindi pa nakakapagpasya. 84 percent ang nagpahayag ng pag-aalala sa kaligtasan ng COVID vaccine.
Kailangang matugunan sa lalong madaling oras ang vaccine hesitancy ng mga kababayan natin kung nais nating magtagumpay ang vaccination program.
Ngayon pa lang, dapat may malawakang information drive na naglalayong masagot ang lahat ng katanungan ng mga kababayan natin tungkol sa COVID vaccine.
☻☻☻
Lalo lamang tatagal ang recovery efforts ng bansa kung hindi natin mahihikayat ang mamamayang Pilipino na makinabang sa benepisyong dala ng bakuna.
Kaya interesado tayong malaman sa mga susunod pang hearing kung ano na ba ang nagawa at planong gawin ng pamahalaan sa pagpawi ng pangamba ng mga kababayan natin.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay