463 Pinoy, nakauwi na mula sa Israel

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 13, 2024

Nakauwi nang ligtas sa Pilipinas ang higit sa 400 na Pilipino mula sa Israel, ayon sa opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW).
Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan na nag-facilitate ng repatriation ang pamahalaan ng Pilipinas para sa 463 na Pilipino mula sa Middle Eastern na bansa.
“Dahil voluntary, kung sino lang gustong umuwi ay agad-agad tutulungan,” ani Caunan.
“Wala tayong backlog pagdating diyan,” dagdag niya.
Sinabi ni Caunan na nagbigay na ng assistance package para sa mga repatriated na Pinoy ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Technical Education and Skills Development Authority.





Comments