top of page

45M Pinoy fully vaccinated na kontra-COVID-19 — Malacañang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 22, 2021



Ipinahayag ng Malacañang ngayong Miyerkules na nasa 45 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19.


Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang bilang ng mga fully vaccinated na indibidwal kontra-COVID-19 ay 45,284,617 base sa latest count.


Ang bilang naman ng mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna ay 60,212,001.


Hanggang nitong Disyembre 21, umabot na sa kabuuang 102,995,133 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kanilang na-administer.


Target ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon sa panahong magtapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page