top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

440M bata, walang makain — Unicef

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel @Overseas News | June 6, 2024



File photo

Nagbabala ang Unicef na higit sa isa sa bawat apat na bata sa ilalim ng edad na limang taon sa buong mundo ang nahaharap sa "malubhang" kahirapan sa pagkain.


Nangangahulugan ito na mahigit sa 180 milyon ang nasa panganib na magdanas ng masamang epekto sa kanilang paglaki.


“Severe child food poverty describes children who are surviving on severely deprived diets so they’re only consuming two or less food groups,” pahayag ni Harriet Torlesse sa AFP, isang pangunahing manunulat ng bagong ulat ng Unicef na inilathala noong Miyerkules ng gabi.


Iminumungkahi ng Unicef na kumain ang mga bata ng pagkain mula sa lima sa walong pangunahing grupo araw-araw: breast milk; grains, roots, tubers, at saging na saba; mani, at buto; gatas; karne, manok, at isda; mga itlog; prutas at gulay na mayaman sa bitamina A; at iba pang prutas at gulay.


Ngunit 440 milyong mga bata sa ilalim ng limang taong gulang na naninirahan sa 100 bansa na may mababa at middle-income, na nangangahulugang wala silang pribilehiyo sa limang pangunahing grupo ng pagkain bawat araw.


Sa mga ito, 181 milyon ang kumakain lamang ng hanggang sa bilang ng dalawang grupo ng pagkain. “Children who consume just two food groups per day — for example, rice and some milk — are up to 50 percent more likely to experience severe forms of malnutrition,” sinabi ni Unicef chief Catherine Russell sa isang pahayag na kasama ng ulat.


Maaaring magresulta sa malnutrisyon ang kahirapan sa pagkain, isang sakit nagdudulot ng abnormal na pagkapayat na posibleng maging sanhi ng kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page