433 panalo sa mahigit P236M jackpot ng Grand Lotto 6/55
ni Lolet Abania | October 2, 2022

Umabot sa 433 mga mananaya ang nakasungkit ng mahigit sa P236 milyong premyo para sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, Oktubre 1, 2022.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang 433 winners ay maghahati-hati sa jackpot prize na P236,091,188.40.
Ang winning number combination ay 09-45-36-27-18-54.
Wala namang nagwagi sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42 na may winning number combination na 37-42-14-09-13-04 at jackpot prize na P24,908,649.60.





Comments