Search
  • BULGAR

42 PCG personnel, nakarekober sa COVID-19

ni Lolet Abania | June 27, 2020


Photo from Philippine Coast Guard


Ilan sa limampu’t apat na empleyado ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19 ay magaling na, ayon sa isang opisyal ng ahensiya.


Nakarekober na ang 42 personnel nito habang ang 12 pa ay nakitaan rin ng paggaling sa sakit, payahag ito ni PCG commandant Vice Adm. George Ursabia sa Laging Handa program.


Ayon pa kay Ursabia, ang naturang 12 personnel ay asymptomatic at tiwala siyang tuluyan na silang makakarekober sa coronavirus.


Gayundin, regular na nagsasagawa ang PCG ng reverse transcription-polymerase chain reaction testing sa bawat empleyado simula nang makiisa ang ahensiya sa ibang government agencies para magbigay ng serbisyo sa repatriated OFWs at locally stranded na indibidwal sa kani-kanilang mga probinsiya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.