top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

400 Pinoy athletes sasabak sa BIMP-EAGA sa Sabah

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

by MC @Sports News | November 15, 2026



Silver medalist si Naomi Cesar (kaliwa) sa YOG sa 800m run sa Dakar, Senegal.  (pocmedia) 

Photo: Nagkakaisang-kapit-kamay sa pangunguna ni PSC Chairman John Patrick Gregorio, kasama sina BARMM Chief De Mission - Dr. Yushoup A. Sario, Puerto Princesa City Chef De Mission - Atty. Gregorio Q. Austria, PSC Commissioner Walter Francis Torres, General Santos City Chef De Mission Lady Margaret Manalo, Davao City Chef De Mission - Michael - Denton P. Aportadera sa pagpupulong kahapon para sa gaganaping 12th BIMP-EAGA Friendship Games 2026 sa Nob. 23 - 28, sa Sabah. (Reymundo Nillama)



Pinataas ng Philippine Sports Commission hindi lamang ang motibasyon kundi pati na ang moral ng mahigit 400 atleta mula sa General Santos City, Davao City, Puerto Princesa City at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao Biyernes bago sumabak sa 12th BIMP-EAGA Friendship Games sa Sabah 2026.


Ito ay matapos ihayag ni PSC Chairman John Patrick Gregorio ang patuloy nitong pagsuporta sa programang nakatuon sa pagpapalago ng sports at pagbibigay ng espesyal na insentibo para sa mga magwawagi ng medalya para sa bansa.


“Very special to me ang BIMP-EAGA,” sabi ni Gregorio sa press conference kahapon kung saan nakasama nito ang mga chef de mission ng bawat siyudad. Inihayag din ni Gregorio ang posibilidad na muling pagho-host ng bansa sa 2028 dahil sa nasimulang kumpletong kagamitan para sa kanilang pagsabak sa kompetisyon na ibinigay ng PSC.


Apat na beses nang nag-host ang Pilipinas sa torneo na pinakauna noong 1996 at 2012 sa General Santos City, at noong 2003 at 2024 sa Puerto Princesa City. Agad namang binigyan ng PSC ng allowance ang mga atleta ng P10,000 bawat isa habang inihayag ang insentibo na P30,000 sa makapagwawagi ng gintong medalya, P20,000 sa pilak at P10,000 at sa tanso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page