40 yrs. nang singer… REGINE, MANANAHI NA LANG ‘PAG NAG-RETIRE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 31, 2026

Photo: File / Regine Velasquez
Malapit na palang magretiro ang singer-actress na si Regine Velasquez-Alcasid. Ibinahagi ito ng loving wife ni Ogie Alcasid sa kanyang interview sa Billboard Philippines.
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga naging mentor ni Regine tulad nina Cesar Aguilar, Lorrie Ilustre at Louie Ocampo na mga naging musical director niya.
Tanong kay Regine, “Ano ‘yung mga moments that opened the biggest door for you?”
Sey ni Regine, “Siguro for me, Boss Vic, Vic Del Rosario is like my biggest godfather. He opened a lot of doors for me like movies, even in hosting, you know? Kasi s’ya ‘yung unang-unang recording company... Well, not the first but he opened a lot of doors for me like movies and recordings.”
Tanong kay Regine, “Is there anything that would make you stop singing or performing?”
Sey ni Regine, “Actually, papunta na ‘ko ru’n. I’m celebrating my 40th year in the business and to celebrate that, I’m going to have a concert sometime in October, pero wala pa kaming date, wala pa kaming venue, but it’s going to be my last big concert. Yes, to celebrate my 40th year. It’s going to be my last big concert.
“Although I still have some projects next year, this will be my last big solo concert.”
Dagdag na tanong kay Regine, “One final big show concert in October, after that, what’s next?”
Sey ni Regine, “I still have mga projects next year and then eventually, I’ll retire. Simple lang, and sabi ng asawa ko, ‘Retirement means not really stopping all together.’ It means doing whatever it is that you want to do, but it will free me from ‘yung pressure of trying to please everyone. Parang ‘di naman daw kasi, ‘di ba, ‘yung concept natin ng retirement is ‘yung tutunganga ka na lang sa bahay mo?
“Parang ayoko rin naman ‘yun, ‘no? Parang, ‘Ha, ano’ng gagawin ko?’ Parang ‘di rin ako sanay nu’n. But kasi, I kept thinking what am I gonna do next if I retire? Parang I have to find something to do. Parang mananahi ba ako? Kailangan kong bumili ng sewing machine.
Tapos mag-apply ako kay Ryan bilang mananahi. I don’t know, but I have to find something to do. But I guess I don’t have to completely stop. Sabi ng asawa ko, ‘Retirement means ‘di ka totally kailangan tumigil. You just have to free yourself of the pressure.’”
Well, sure si yours truly na maraming tagahanga si Regine Velasquez-Alcasid na malulungkot kapag tuluyan na siyang nagretiro, ‘di ba naman, Ogie Alcasid?
“HINDI lang dugo ang sukatan ng pagiging totoo sa pagmamahal,” ang pahayag ng aktres na si Lotlot De Leon sa kanyang social media post.
Simple pero makatotohanan ang pahayag ng anak ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.
Saad ni Lotlot, “Putting this out here. Ang pagiging adopted ay ‘di nakakabawas ng halaga, pagkatao, o pagiging tunay na pamilya.
“‘Di rin ito dahilan ng paghinto ng pagbibigay ng opinyon o ng saloobin sa mga tama o mali. ‘Di rin ito sapat na dahilan para ‘di masaktan dahil ‘di tunay na anak.
“‘Di lang dugo ang sukatan ng pagiging totoo sa pagmamahal.”
Sagot ito ni Lotlot sa ilang netizens na walang pakundangan at ipinagdidiinan pang hindi siya tunay na anak ni Nora.
In fairness, kahit kailan ay hindi tinawag na ampon ni Bok or Ate Guy si Lotlot sa harap ni yours truly. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ni Nora ang kanyang mga anak.
PATULOY ang pag-angat ng global storytelling ng ABS-CBN matapos magtala ng malakas na debut sa Prime Video Philippines. Eksklusibong mapapanood ang 10-episode mystery-thriller limited series na The Silent Noise (TSN) sa plataporma bago ang nakatakda nitong international release.
Binigyang-diin ng ABS-CBN Chief Operating Officer na si Cory V. Vidanes ang kahalagahan na dalhin ang serye sa iba’t ibang bansa.
Pahayag nito, “Nakakaengganyo ang mga komento para sa The Silent Noise habang inihahanda namin itong ipalabas sa global market. Patuloy pa rin ang commitment namin na iparating ang mga kuwentong Pilipino sa aming manonood sa iba’t ibang panig ng mundo.”
Ibinida rin ng Creative Head na si Tanya Bautista na nilikha ang serye na parehong lokal at international audiences ang nasa isip.
Aniya pa, “Gusto naming gumawa ng kuwentong fresh at totoo, something na makaka-relate ang mga manonood kahit saan man sila naroroon.”
Ang TSN ang kauna-unahang Filipino limited series ng ABS-CBN na ilulunsad sa global market, na magkakaroon ng iba’t ibang language versions upang mas maabot ang mga manonood worldwide.
Sinusundan ng kuwento ang isang pamilya na may anak na bingi at unti-unting babalutin ng misteryo at suspetsa matapos ang isang trahedya.
Itinatakda ng The Silent Noise ang ika-limang pagtatambal nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
Introducing dito si KD Omalin at kasama sina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Mylene Dizon, Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Junjun Quintana, Joel Saracho, at Kakki Teodoro.
Mapapanood ang mga bagong episodes tuwing Biyernes, 6 PM, eksklusibo sa Prime Video.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments