40 yrs. na parusa, binabaan… DENIECE, CEDRICK AT IBA PANG NAMBUGBOG AT NAGKULONG KAY VHONG, 2 YRS. LANG, LAYA NA

ni Beth Gelena @Bulgary | September 29, 2026

Photo: FB Circulated
Iniutos ng Court of Appeals (CA) ang paglaya ng dating kontrobersiyal na personality-model na si Deniece Cornejo kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanya ni Vhong Navarro.
May petsang Setyembre 25 ang Order of Release ng CA, ibinahagi naman ito sa publiko ni Atty. Ferdinand Topacio, dating abogado ni Cornejo, nitong Setyembre 26.
Gayunman, hindi pa siya aktuwal na nakakalaya. Ayon sa kanyang lolo na si Rod Cornejo, may court order na para sa agarang release ngunit mayroon pang isang technicality na kailangang resolbahin.
Dahil dito, maaaring abutin pa ng ilang linggo bago tuluyang makalabas si Deniece sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.
Hindi lamang si Deniece ang sakop ng release order, kasama rin sina Cedric Lee, Ferdinand Guerrero at Simeon Palma Raz.
Matatandaang noong Mayo, 2024, hinatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sina Cornejo, Lee, Guerrero at Raz ng reclusion perpetua (20-40 yrs. na pagkakakulong) matapos silang mapatunayang guilty sa serious illegal detention for ransom.
Sa bagong aksiyon ng CA, ibinaba ang ipinataw na sentensiya, kaya itinuring nang ‘time served’ ang halos dalawang taon ng pagkakakulong ni Cornejo.
Samantala, sari-sari naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa balita. May ilan na nagpahayag ng matinding opinyon tungkol sa kontrobersiya, habang mayroon ding nagpayo kay Deniece na gamitin ang pagkakataon para magsimula ng bagong buhay.
Isa sa mas mahinahong komento, “Magbait ka na, ‘wag pagamit sa mayamang tao. Bagong buhay, bagong pag-asa. Good luck!”
Handa raw gawin lahat…
VHONG, AAPELA SA PINAAGANG PAGLAYA NINA DENIECE, CEDRICK ATBP.
Samantala, handa umano si Vhong Navarro na gawin ang lahat ng legal na hakbang matapos iutos ng Court of Appeals (CA) ang pagpapalaya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa kasong serious illegal detention for ransom.
Ito ang sinabi ng abogado ng aktor-host na si Atty. Alma Mallonga, kasunod ng desisyon ng appellate court na baguhin ang hatol kina Cornejo at Lee.
“Through all these years, Mr. Vhong Navarro chose to keep faith with the justice system in place in our country… In keeping with that faith, he will continue to pursue all the remedies that are available to him,” ani Mallonga sa mensaheng ipinadala niya sa ABS-CBN News.
“He is prepared to fully accept the result of that process when it finally ends,” dagdag pa niya.
Binago ng CA ang naunang conviction kina Lee at Cornejo, mula sa serious illegal detention for ransom tungo sa grave coercion.
Ipinataw sa kanila ang sentensiya na anim na buwan bilang minimum hanggang tatlong taon, anim na buwan at 21 araw bilang maximum.
Ipinaliwanag naman ni Mallonga na hindi tama na sabihing mula pa noong 2014 ay nakakulong na sina Lee at Cornejo, na naging batayan umano ng agarang pagpapalaya sa kanila.
“It is not true that the accused have been detained since 2014, which is the reason the Court of Appeals had ordered their immediate release.
“But they have, in fact, been serving time in prison. Whether or not the period the accused have spent in incarceration is sufficient, considering the affirmance of their conviction, is a matter of law which everyone is bound to respect,” pahayag niya.
Gayunman, binigyang-diin din ni Mallonga na patuloy na igagalang ni Vhong ang proseso ng korte.
“Mr. Navarro shall continue to trust in the process and abide by whatever that requires,” dagdag niya.
Hindi lang mga giveaways kundi ang mga pelikula mismo ang pinagkakaguluhan ng mga moviegoers sa pagbubukas ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 nitong Miyerkules, September 23, sa Gateway Cineplex.
Ayon sa Festival Director na si Chris Cahilig, ikinagulat nila ang dami ng mga nanood, lalo na’t halos sold-out ang ilang screenings kahit opening day pa lamang.
“It’s very overwhelming, maraming salamat sa Puregold dahil ang dami nilang pakana. Alam n’yo bang mayroon kaming 10,000 gift packs na ipinamimigay, kasama pa ‘yung kanina, ‘yung may mga custom (personalized) na canvas bags. Tomorrow, may bago na naman. So, abangan n’yo kung ano ang pasabog ng Puregold sa linggong ‘to.
“Yes, magaganda ‘yung mga pelikula, pero s’yempre, iba pa rin ‘yung may giveaways. Pero magaganda talaga ‘yung mga pelikula. Kaya mayroon o walang giveaways, people have to watch Puregold CinePanalo kasi sobrang ganda ng mga pelikula,” pagmamalaki ni Chris.
Magaganda ang pitong mainstream movies tulad ng Stuck On You nina Xyriel Manabat at River Joseph, isang rom-com na may halong crime; at Beast ni John Arcilla na may twist sa ending.
Well, as expected, pasok si Xyriel sa nominasyon bilang Best Actress ng CinePanalo at kalaban niya si Sassa Gurl para sa Multwho (Patay na Patay sa ‘Yo).





Comments