top of page

40 Pinoy, nadale... Korean, kulong sa illegal recruitment

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | May 9, 2026



Korean timbog - PNP

Photo: PNP



Himas-rehas ang isang 54-anyos na Korean national dahil sa umano’y illegal recruitment ng mga Pilipino para magtrabaho sa South Korea kapalit ng malaking halaga.


Naaresto ng mga otoridad ang suspek na si “Hyun” habang nasa aktong tinatanggap ang placement fee sa isang aplikante sa Matina Enclaves sa Quimpo Boulevard, Davao City.


Kasama ng mga operatiba ng PNP-CIDG Davao City Field Unit ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers nang arestuhin ang Korean.


Nag-aalok umano si “Hyun” ng trabaho sa South Korea bilang factory worker at ang magiging sahod ay KRW 2.2 million o halos P92,000 kasama ang libreng pagkain at akomodasyon.


Pero kinakailangang magbayad umano ang mga aplikante ng P28,000 bilang processing fee, subalit nang i-verify sa DMW ay walang legal authority si “Hyun” na mag-recruit.

Tinatayang 40 aplikante  na ang nabiktima umano ng suspek sa Davao City.

Nahaharap ang suspek sa kasong illegal recruitment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page