40 pang Pinoy, nakalabas na ng Gaza

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 8, 2023

Karagdagang 40 Pilipino ang nakalabas na ng Gaza Strip patungong Egypt sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah border.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., naging matagumpay ito sa pamamagitan ng koordinasyon ng Department of Foreign Affairs kasama ang mga embahada sa Israel, Jordan, at Egypt.
Una nang sinabi ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ginagawa ng kanilang pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang mga Pinoy sa Gaza na makalabas sa pamamagitan ng Rafah Crossing sa lalong madaling panahon.





Comments