top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

40 milyong Pinoy na walang access sa malinis na tubig, saklolohan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2024
  • 1 min read

@Editorial | May 9, 2024



Editorial


Nakapanlulumo ang ulat na 40 milyong Pilipino ang walang nagagamit na malinis na tubig.


Ang mga lugar na natukoy na walang malinis na tubig ay mga komunidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga malalayong isla.


Madalas ang kanilang pinagkukunan ng tubig ay sa mga bukal, sapa at pati ang tubig-ulan. Ang problema, paano ‘pag ganitong matindi ang init ng panahon? 


Ilang karamdaman din ang maiuugnay sa kawalan ng malinis na tubig na maaaring mauwi sa kamatayan. Bago pa man lumala ang problema, aksyunan na.


Sa mga ahensya ng gobyerno na humahawak sa usaping ito, pakiusap, tutukan sana ang pagbibigay ng malinis na tubig sa milyun-milyon nating kababayan.


Suyurin natin ang mga liblib gayundin ang iba pang lugar na wala talagang pormal na napagkukunan ng malinis na tubig.


Puwede ring makipagtulungan sa mga nasa pribadong sektor para maging mas mabilis at abot-kaya ang proyekto.


Bilang nasa pamahalaan, obligasyon nating alalayan ang publiko lalo na sa mga pangunahing pangangailangan. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page