top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

40 batang asylum seeker, missing pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 26, 2026



Asylum seekers - PA Media

Photo: File / Asylum seekers - PA Media



Apatnapung batang asylum seeker na nawawala mula sa mga hotel sa United Kingdom (UK) ang hindi pa rin natatagpuan, ayon sa parliamentary report.


Noong 2023, naiulat na mahigit 440 unaccompanied asylum-seeking children ang nawawala mula sa mga hotel na ginagamit ng Home Office bilang pansamantalang tirahan. Ayon sa Department for Education, umabot sa 472 ang kabuuang nawawala, ngunit 432 na ang natagpuan.


Nanawagan ang Joint Committee on Human Rights sa Home Office na paigtingin ang paghahanap sa mga nawawalang bata, imbestigahan kung bakit sila nawala at tiyaking hindi na mauulit ang insidente. Hiniling din ang regular na update kada tatlong buwan tungkol sa search operations.


Ilang batang natagpuan na umano ang napunta sa mga sitwasyong mapagsamantala at maaaring naging biktima ng human trafficking o iba pang uri ng exploitation.


Kasabay nito, pinuna ng Equality and Human Rights Commission ang UK government dahil sa umano’y kakulangan sa proteksyon at social security support para sa asylum seekers.


Samantala, patuloy na binabawasan ng pamahalaan ang paggamit ng asylum hotels. Karagdagang 13 hotel ang isinara ngayong buwan, na inaasahang makatitipid ng £51 milyon (P3.86 bilyon) at magpapababa sa bilang ng asylum hotels sa wala pang 160, mula sa tinatayang 400 noong nakaraang administrasyon.


Iginiit naman ng pamahalaan na patuloy itong nakikipagtulungan sa pulisya at local authorities upang mahanap ang mga batang nananatiling nawawala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page