4 yrs. magdyowa… MIKEE, UMAMING HIWALAY NA SILA NI PAUL
- BULGAR

- Apr 2
- 4 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 2, 2025
Photo: Mikee Quintos at Paul Salas - IG
Hiwalay na sina Mikee Quintos at Paul Salas matapos ang 4 na taong relasyon.
Ito ang ini-reveal ng aktres kahapon (April 1) sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kasama ang co-star niya sa Slay na si Gabbi Garcia.
Diretsong tinanong si Mikee ni King of Talk Boy Abunda kung hiwalay na ba sila ni Paul dahil nabalitaan daw niya ito sa kanyang reliable source.
“Napakahirap po itanong nito. Oo o hindi, kayo ba ni Paul Salas ay nagkahiwalay na?” tanong ni Kuya Boy.
Ilang segundong hindi nakasagot si Mikee at halatang tinitimbang o iniisip pa kung ano ang isasagot niya.
Then, she answered na halata ang lungkot, “Opo, hiwalay na kami.”
Diretso pa rin ang sunod na tanong ng premyadong TV host pero pinauna naman niya kay Mikee na kung gusto lang nitong sagutin.
“Bakit? May third party ba? What is the story?” he asked.
Sey ni Mikee, “Of course, wala pong third party. ‘Yung ‘bakit,’ I think, it’s better if you hear it from him.”
She added, “Honestly, before today, pinag-iisipan kong mabuti kung magsasabi na ako sa public o hindi. Mahirap for me, it’s a big jump. ‘Yung feelings ko, kinokontra ‘yung iniintindi ko sa mind ko lahat. And hindi naman sa ayaw kong i-share, pero, I think, there’s a right time for it.”
Kasunod nito ay nagsimula nang maging emosyonal ang aktres.
“Pagdaanan ko na lang po muna, and then, eventually, ‘pag ok na ‘ko... ‘pag okey na ko,” aniya.
When asked kung ano ang huling conversation niya with Paul, ayon kay Mikee ay isang buwan na simula nang maghiwalay sila. Nilinaw din niyang mutual decision naman ito.
Malaking bagay daw ang mga female co-stars niya sa serye nilang Slay na naging very supportive raw sa kanya nang malaman ang kanyang pinagdaraanan.
Sa huli ay sinabi ng aktres na nagtitiwala na lang siya sa plano ni Lord for her.
“Kung kami (ni Paul), kami. Kung kami, I know, Siya na maghahanap ng way na mangyari ‘yun, si Lord na. So, I won’t try to control things. I just know na ito ‘yung tamang desisyon,” pahayag ni Mikee.
Inamin din ng aktres na mahal pa niya si Paul at masakit pa rin sa kanya ang breakup.
When asked kung ipinaglaban ba nila ang kanilang pagmamahalan, emosyonal na wika ni Mikee, “Oo naman, I think, more than expected pa, ano, more. Wala akong regrets.”
Dagdag pa niya, “Mahirap sa ‘kin ito, ‘tong decision na ‘to.”
Sa huli ay hiningan ni Kuya Boy si Mikee ng mensahe para kay Paul.
“Paul, thank you. Four years. And alam mo naman na 'yun, nasabi ko na ‘yung mga gusto kong sabihin. Maybe I wanna remind you lang na nasa sa 'yo to make all these worth it,” pahayag ng aktres.
Super happy and proud sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro and Arci Muñoz with Rayver Cruz and Matt Lozano sa pelikula nilang Sinagtala dahil bukod sa napakaganda raw ng materyal ay napakarami talagang lessons na matututunan dito.
Ayon kay Rhian ay makaka-relate ang lahat ng artists sa pelikulang ito.
“I feel connected to my character in a sense na para bang finding yourself again na nahahanap mo ulit ‘yung center mo du’n sa passion at pagmamahal mo sa ginagawa mo just realizing how lucky you are to just get to do your craft,” sey ni Rhian.
Ayon naman kay Glaiza, na as we all know ay may talent din sa pagkanta, makikita sa movie kung paano mangarap with a purpose.
“Hindi lang doon sa pangarap, pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin. Nu’ng mga bata tayo, gusto lang nating maging artista or astronaut or doktor. Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nu’ng nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo. Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pansarili lang, walang fulfillment,” sey niya.
Para naman kay Arci, naka-relate siya sa movie dahil tulad ng karakter niya, ang mga totoo niyang kaibigan ang natatakbuhan niya sa tuwing may problema siya.
“Konti lang po kasi ‘yung friends ko. ‘Yung mga ka-banda ko, sila talaga ‘yung nag-stick sa ‘kin hanggang ngayon. Sa mga struggles ko sa buhay, ‘yung mga totoo kong kaibigan, sila talaga ‘yung mga tatakbuhan ko sa oras na parang walang-wala ka talaga,” ani Arci.
Ayon naman kay Rayver, makikita sa karakter niyang si Reggie kung paano kainin ng kasikatan ang isang artista.
“Si Reggie kasi, nawala sa landas niya, eh. ‘Yun ‘yung struggle niya sa buhay, parang kinain s’ya ng fame niya dahil rockstars kami rito. And then ‘yung struggle ko, nawala ako sa landas, ‘yung struggle ko with my daughter, broken family, so kinailangan kong iangat ‘yung sarili ko,” pahayag ng aktor.
Challenging din para kay Matt ang kanyang karakter bilang si Isko na napakarami ring naranasang paghihirap.
“Si Isko, grabe ‘yung struggle n’ya kasi hindi s’ya tanggap ng tatay n’ya,” sabi ni Matt.
First time ng limang bida na magkasama-sama sa pelikula, kaya sobrang thankful nila na sila ang napiling i-cast, lalo pa nga’t ang dami nilang natatanggap na positive feedback base sa trailer pa lamang.
Mula sa direksiyon ni Mike Sandejas, showing na ngayong araw (April 2) ang Sinagtala produced by Sinagtala Productions.
Manonood ka ba uli, Jun Lalin?










Comments