4 tiklo sa sugal, baril at droga
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Maeng Santos @News | July 17, 2026

Photo: File
Kulong ang apat na indibidwal nang maaktuhang nagsusugal at makuhanan pa ng baril at droga ang dalawa sa kanila sa Caloocan City.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang anti-illegal gambling operation sa Brgy. 175, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang tricycle driver habang nagsusugal umano ng ‘dice game.’
Nasamsam sa kanila ang dalawang dice, P900 bet money, isang plastic sachet na naglalaman ng isang gramo ng suspected shabu na nakuha sa 22-anyos na suspek at calibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na nakumpiska naman sa 30-anyos.
Timbog din sa mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-Station 2, ang 33-anyos na tambay at edad 26 na obrero nang maaktuhang nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa Brgy. 120, ng lungsod.
Nakumpiska sa kanila ang P1,000 bet money, pangara at isang .38 caliber revolver na kargado ng dalawang bala na nakuha sa 33-anyos na suspek.





Comments