Search
  • BULGAR

4 probinsiyang COVID-19 free, kinilala ng DOH

ni Thea Janica Teh | July 22, 2020




Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, may apat pang probinsiya ang nananatiling COVID-19 free ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ni DOH Director IV Beverly Ho, kinilala ang lalawigan ng Batanes, Quirino, Aurora at Dinagat Island bilang COVID-19 free.

Ayon kay Ho, bukod sa pagiging isolated at isla ang ilang probinsiya rito, ipinagmamalaki nitong ibinalita na mayroon pang lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19. Inaanyayahan niya ang lahat na ipagpatuloy ang mga measure na nasimulan para mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Ho na aktibo ang mga local government sa screening ng mga taong pumapasok at lumalabas sa kanilang nasasakupan. “Basically, talagang heightened po ‘yung vigilance nila at patuloy po ‘yung kanilang pagkampanya to do the minimum health standards sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Pilipinas ng 72,296 kaso ng COVID-19 na may 23,623 gumaling at 1,843 namatay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.