top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

4 Pinoy travelers mula sa China, may BF.7 at BA.5.2 Omicron subvariants — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2023
2 min read

ni Lolet Abania | January 13, 2023



Apat sa walong Pinoy travelers mula sa China na nagpositibo sa test sa COVID-19, ang lumabas na infected ng Omicron subvariants, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sinabi ni DOH epidemiology bureau director Dr. Alethea De Guzman, ang BF.7 ay na-detect sa 3 pasyente habang ang isang traveler ay tinamaan ng BA.5.2.


“Ito ‘yung mga hindi bagong variants. Dati na natin ‘tong mga nade-detect. Kung unusual or unique, no,” saad ni De Guzman sa isang virtual town hall forum.


Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang 2 Omicron subvariants ang nagdulot sa China ng panibagong wave ng COVID-19 cases.


Paliwanag ni De Guzman, ang iba pang samples ng mga pasyente ay walang na-assign na lineage.


“Minsan pagka-transport nade-degrade ‘yung quality ng specimen kaya hindi natin ma-sequence,” sabi ni De Guzman.


Sinabi ng DOH na noong nakaraang linggo, 89 pasahero ang natukoy bilang close contacts ng walong Pinoy travelers.


Gayunman, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa mga naging close contacts, isa lamang ang nagpakita ng hinihinalang COVID-19 symptoms, habang nai-test na ang pasahero at sumasailalim sa isolation.


Ang walong Pinoy travelers, kung saan unvaccinated ang mga ito, ay dumating sa Maynila mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023.


Sila ay nagpositibo sa test sa COVID-19 sa pamamagitan ng antigen testing. At ang mga resulta ay kalaunang nakumpirmang positibo sa pamamagitan ng RT-PCR testing.


Batay sa latest COVID-19 biosurveillance report ng DOH, ang BA.5 ay nananatili sa ngayon na dominant strain sa Pilipinas, na may 12,658 cases.


Kasunod nito ang BA.2.3.20 na may 3,881 cases, XBB na nasa 949 cases, XBC na may 610 cases, at BA.4 na 325 cases.


Nakapagtala rin sa bansa ng 38 kaso ng BA.2.75, may 19 na kaso ng BQ.1, nasa 7 ang kaso ng BF.7 at may 4 na BN.1 cases.


Samantala, wala pang nade-detect sa bansa na Omicron subvariant XBB.1.5, na pinaniniwalaan na pinaka-contagious na bersyon ng COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page