top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

4 patay... Bagong hypersonic missile ng Russia, pinakawalan sa Ukraine

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26
1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | May 26, 2026



Aftermath sa Kyiv, Ukraaine - Volodymyr Zelenskyy


Naglunsaad ang Russia ng pag-atake gamit ang bago at napakalakas na hypersonic ballistic missile sa Kyiv, na ikinasawi ng apat na katao. Isa ito sa pinakamatinding pambobomba ng Russia sa Kyiv region mula nang sumiklab ang digmaan sa Ukraine.


Klinasipika ng Amerika ang Oreshnik missile bilang isang intermediate-range missile na kayang magdala ng iba’t ibang conventional o nuclear warheads. Dahil sa bilis at trajectory nito, halos hindi ito mapigilan ng air defense systems ng Ukraine.

Ito na ang ikatlong beses na ginamit ng Russia ang naturang missile.


Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, bumagsak ang missile malapit sa lungsod ng Bila Tserkva sa central Ukraine. Tinawag ni Zelensky na “wala na sa tamang pag-iisip” ang Russia at iginiit na hindi nila ito palalampasin.


Kumondena rin ang ilang world leaders sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine, kabilang sina European Union foreign affairs chief Kaja Kallas, French President Emmanuel Macron, at German Chancellor Friedrich Merz. Binigyang-diin din ng Germany ang patuloy nitong suporta para sa Ukraine.


Nangyari ang magdamag na pag-atake sa Kyiv matapos ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang pagganti sa deadly attack ng Ukraine sa okupadong teritoryo ng Russia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page