top of page

4 na posibleng NPA, patay sa Zamboanga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 29, 2023




Patay ang 4 na hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa mga barangay ng San Jose at Wilben sa Sergio Osmena, Zamboanga Del Norte dahil sa labanan sa pagitan ng militar ng pamahalaan. 


Kinilala bilang si Charlie Hintapa, o mas kilala sa mga alias na Esik/Andot, leader ng guerilla front Sendong, ang isa sa mga sinasabing rebelde.


Kasunod namang namatay sa engkwentro ang 3 hinihinalang rebelde na kinilalang miyembro ng Sendong na sina Maria Luz Ranan aka Hill/Mona, Jerome Lobo Albios aka Larry/Lomer, at Mary Ann Nabicis o alias Bianca/Richel.


Natagpuan ng militar sa insidente ang  isang MK 2 grenade, isang cellphone, mga bala ng 5.56mm, 5.56mm M4 rifle, at ilang personal na gamit.


Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page