4 na astigin, babanat sa Maiden Stakes Race
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 10, 2023
Apat na tigasing batang kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 2023 PHILRACOM "Imported Maiden Stakes Race" ngayong araw na gaganapin sa pista ng Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Nais ipakita ni Perfect Delight ang kanyang husay sa karerahan kung saan ay paniguradong makakakuha ito ng maraming suporta sa mga karerista.
Inaasahang markado si Perfect Delight sa distansiyang 1,600 meter race kontra tatlong kabayong katunggali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Ipamumudmud sa mga kalahok ang nakalaan na P1.2M garantisadong premyo, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Flywheel, Heavy Weight at Viva D' Oro.
Susungkitin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000 habang tig-P150,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
May kukubrahin din ang breeder ng winning horse na P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third.
Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Samantala, kabilang sa mga aabangan ng mga karerista ay ang banatan ng anim na kalahok sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Ang mga kasali ay sina Super Earth, Brightside, Superhawk, Moon Island, Lagertha at Rock To The East, paglalabanan nila ang P20,000 added prize sa distansiyang 1,000 meter race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Perfect Delight (4), Viva D' Oro (3)
Race 2 - Super Earth (1), Rock To The East
Race 3 - Secret Service (10), Lucky Lea (4), Super Spunky (14), Seychelles (7)
Race 4 - Boss Emong (1), Magtotobetsky/Robin Hood (5/5A)
Race 5 - Sultanov (4), Advance Party (14), Make Or Break (3), Plus (5)
Race 6 - Righteous Ruby (6), Civics Class (2)
Race 7 - Bebang (9), Electrify (5), Piece Of Cake/Magnolia Yana (2/2A), Colony Bell (4)
Race 8 - Sonic Clay (10), Full Combat Order (1), Orange Bell (2), Luke Skywalker (5)





Comments