top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 katao, kulong sa pagbebenta umano ng pekeng gold bars

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | June 5, 2022



Arestado ng mga awtoridad ang apat na indibidwal na umano’y nagbebenta ng pekeng gold bars sa Capistrano Complex, Barangay Gusa, Cagayan de Oro City, nitong Sabado.


Kinilala ng Cagayan de Oro Police Office, ang mga inarestong suspek na sina Rey Naranjo, 58-anyos; Junalie Licawan, 58-anyos; Jerson Liquinan, 28-anyos at Jimwel Homonlay, 33-anyos.


Ayon sa police report, isang indibidwal ang nagreklamo sa tanggapan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Cagayan de Oro at humingi ng assistance matapos umano siyang maloko ng humigit-kumulang sa P500,000 kapalit ng isang gold bar kung saan lumabas na peke pala ito, makaraang ipaeksamin niya nang husto nitong Abril 2022.


Ayon sa mga awtoridad, kinontak muli ang biktima ng mga suspek kamakailan at nag-aalok naman ng P1.8 milyon ng gold bars. Nagkunwaring tanggap ng biktima ang alok ng mga suspek na agad humingi ng tulong sa mga awtoridad, saka isinagawa ang entrapment operation.


Nakumpiska sa mga suspek ang entrapment money na naglalaman ng isang tunay na P1000 bill at mga bundles ng bogus at ordinaryong papel na pera, at dalawa umanong gold bars na nagkakahalaga umano ng P15 million.


Nakadetine na ngayon ang mga suspek sa custodial facility ng CMFC, habang nahaharap ang mga ito sa kasong syndicated estafa dahil sa paglabag sa Section 1 ng PD No. 1689 in relation to Article 315 ng Revised Penal Code.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page