4 Kano kinidnap sa Mexico, 2 natagpuang patay

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 10, 2023

MEXICO — Dinukot ang 4 na US citizens matapos umanong tumawid sa Mexico border upang magpa-cosmetic surgery noong Lunes.
Ayon sa mga awtoridad, tumawid ang 4 sa Matamoros, Tamaulipas galing sa Brownsville, Texas upang magpa-tummy tuck procedure. Nagmamaneho sila ng isang puting minivan na may lisensya galing sa North Carolina nang pinaputukan sila at dukutin.
Natagpuan ang mga biktima sa isang kubo sa Matamoros, kung saan nakumpirma na 2 ang patay at 2 naman ang sugatan. Ilang beses din umano silang inilipat sa ibang siyudad para hindi matunton ng pulisya.
Sa pahayag ni Tamaulipas Governor Américo Villarrea, kasalukuyang nasa pangangalaga na ng US authorities ang 2 sa mga biktima na nakilalang sina Latavia McGee at Eric James Williams.





Comments