4 arestado sa pagbebenta ng Gcash accounts
- BULGAR

- Mar 28, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | March 28, 2023

Arestado ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division sa serye ng operasyon ang apat katao na nagbebenta ng GCash accounts.
Kabilang sa mga naaresto sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel at Jeffrey Ilagan.
Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng impormasyon na may mga Facebook accounts na sangkot sa trafficking ng GCash accounts.
Nag-o-operate ang mga suspek sa bisinidad ng Quezon City at Tondo, Maynila at nagsasagawa ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng FB at messenger.
Sa pamamagitan ng paggamit sa undercover Facebook account, nakipagtransaksiyon ang asset sa mga suspek kung saan ang kada account ni Cortez ay nagkakahalaga ng P900, Miguel P550 at Ilagan P650.
Ayon sa mga suspek, ang bawat account ay kayang magtransaksiyon ng P100,000 at kaya pa nilang mag-produce ng may 100 accounts.
Nagplano ng entrapment operation ang NBI at naaresto ang mga suspek.
Sinampahan ng Trafficking in Access Devices Fraudulently Applied For, penalized under Section 9(b) of RA 8484 otherwise known as the Access Devices Regulation Act of 1998, ang mga suspek sa Quezon City Prosecutors Office.





Comments