top of page
Search
  • BULGAR

4.5 magnitude na lindol sa Batangas, MM nayanig din

ni Lolet Abania | October 29, 2020




Niyanig ng 4.5-magnitude na lindol ang lalawigan ng Batangas ngayong hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa ulat ng Phivolcs, naramdaman ang paggalaw ng lupa bandang ala-1:25 ng hapon ngayong Huwebes at tectonic in origin. Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 13.75°N, 120.87°E - 008 km N 88° W bayan ng Mabini, Batangas at may lalim na 02 kilometro.


Ayon sa Phivolcs, Intensity IV ang nai-record na pagyanig sa Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Sta. Teresita sa Batangas; sa Tagaytay City; at sa Alfonso at Amadeo sa Cavite.


Naramdaman naman ang Intensity III sa Batangas City; Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag Batangas; at San Pablo at Laguna; at Intensity II sa Quezon City; Mandaluyong City; Navotas City; Majayjay, Laguna; Dolores, Quezon.


Gayundin, Intensity I ang naitalang lindol sa Malabon City; Pasay City; Talisay, Batangas; Sta. Cruz, Laguna.


Naglabas din ang Phivolcs ng ulat ng Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity IV- Calatagan, Batangas; Tagaytay City

  • Intensity II- Muntinlupa City; Dolores, Quezon

  • Intensity I- Quezon City; Carmona and Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon; Talisay, Batangas


Wala namang naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol. Pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag at mag-ingat sa inaasahang aftershocks, ayon pa sa Phivolcs.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page