ni Eli San Miguel @News | May 13, 2024
Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong Lunes na may higit sa 4,200 bagong kontraktuwal na mga trabaho ang inilunsad para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Itinuturing ang 4Ps bilang pangunahing programa ng gobyerno laban sa kahirapan, na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Supporting the 4Ps is crucial in inclusive development, empowering families, and breaking the cycle of poverty in the Philippines,” pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.
“With this move, we are also generating employment opportunities, which in some ways help stabilize our economy,” dagdag niya.
Comments