top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3x3 Int'l Standalone Quest abangan ang 3 Foreign teams

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 16, 2022



Muling masasaksihan ang mataas na antas ng laro sa Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 International Standalone Quest ngayong araw ng Biyernes sa Ayala Malls Solenad sa Santa Rosa City, Laguna.


Tatlong koponan mula sa Pilipinas – Cebu Chooks, Manila Chooks at Butuan Chooks – ang handang harapin ang hamon ng limang bisita mula Mongolia, Japan at Malaysia simula 12:00 ng tanghali.


Hinati ang walong kalahok sa dalawang grupo kung saan nabunot sa Grupo A ang Manila kasama ang top seed Ulaanbaatar MMC Energy at Zavkhan MMC Energy ng Mongolia at Kuala Lumpur Aseel ng Malaysia. Nasa Grupo B ang Cebu at Butuan kasama ang Zaisan MMC Energy ng Mongolia at Saitama Alphas ng Japan.


Nakalista sina Mark Jayven Tallo, Mike Harry Nzeusseu, Brandon Ramirez at Vince Tolentino para sa Cebu. Napili para sa Manila sina playing coach Chico Lanete, Dennis Santos, Henry Iloka at ang baguhang si Dave Ando mula University of Santo Tomas habang binubuo ang Butuan ng mga bagitong sina dating NCAA MVP Prince Eze ng University of Perpetual Help System-DALTA, John Paul Cauilan ng National University at Jason Strait at Aurin Stephen Catacutan ng University of the East.


Katatapos lang sumalang ng Cebu sa Penang Challenger noong nakaraang Linggo kung saan nagtapos sila ng ika-walo sa 16 koponan. Maglalaro ng single round o tig-tatlong beses at ang dalawang may pinakamataas na kartada sa bawat grupo ay tutuloy sa knockout crossover semifinals at finals. Gagawaran ng $10,000 (P570,000) at tiket sa group stage ng Cebu Masters ngayong Oktubre 1 at 2 sa SM Seaside City ang kampeon habang ang pangalawa ay bibigyan ng $5,000 (P285,000) at maglalaro sa qualifier ng nasabing torneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page