ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 14, 2024

Para kina Kryz Uy at Slater Young, it's a boy na naman!
Sa YouTube channel ni Kryz, ibinahagi ng Cebuana lifestyle content creator ang isang vlog na may habang 17 minuto para sa gender reveal ng kanilang baby.
Nagsimula ang vlog sa kanilang panganay na si Scottie na nagsasabing, "I want a little baby girl, a little baby sister."
Kasama rin sa vlog ang Skyfam na nagsuot ng pink outfit para sa pagdiriwang.
"I'm wearing pink because I do feel like it's a baby girl," hirit ni Kryz.
Sa huling bahagi ng video, tumapak ang pamilya sa isang platform na may pintang blue at pink habang hinihila ang laso na nakatali sa mga lobo.
Sa paghila ng laso, lumabas ang mga lobo na kulay asul na nagpapahiwatig na isa na namang batang lalaki ang kanilang third baby.
Comentarios