3M passports, nai-deliver na ng APO sa DFA
ni Lolet Abania | October 21, 2022

Mahigit sa 3 milyong passports ang nai-deliver na ng APO Production Unit Inc. (APO) sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa unang siyam na buwan ng 2022.
Sa isang public briefing ngayong Biyernes, sinabi ni APO chairperson Ricky Alegre na ang state-run printing firm ay nakapag-produce ng 3,062,300 passports mula Enero hanggang Setyembre.
“Itong dami ng passport na lumalabas, na dini-deliver namin, nagpapakita na marami namang mga kababayan natin ay gusto bumiyahe, magtrabaho o magbakasyon,” pahayag ni Alegre.
Sa ngayon, ayon kay Alegre, wala namang backlog sa mga passport deliveries.
“We expect na ‘yung full normalization ng passport deliveries by next year,” sabi niya.
Kaugnay nito, ang agreement ng APO sa DFA ay tatagal hanggang 2025.





Comments