$32.5M airport heist, nauwi sa putukan, 2 todas

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 10, 2023

CHILE — Dalawa ang patay sa shoot-out sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga suspek na nagtangka umanong magnanakaw ng $32.5 milyong pera sakay ng isang eroplano mula sa Miami.
Batay sa imbestigasyon, 10 suspek ang pumasok sa airport gamit ang 3 sasakyan matapos igapos ang isang security guard. Target umano nitong nakawin ang $32.5 milyon na nakatakdang ilipat sa isang armored truck para ipamahagi sa ilang mga bangko sa bansa sa South America.
“Nagkaroon ng matinding palitan ng putok,” saad ni Manuel Monsalve, Deputy Interior Minister.
Dagdag pa niya, armado at planado ang pagnanakaw.
Ayon sa mga awtoridad, isang suspek at isang empleyado ng Directorate General of Civil Aviation (DGAC) ang patay sa shoot-out.
Sa pahayag naman ni Raul Jorquera, General Director ng DGAC, “Wala namang pasaherong nalagay sa peligro dulot ng naturang engkwentro.”





Comments