top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

31-M botanteng Pinoy, nabudol sa slogan na ‘babangon ang Pilipinas’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 23, 2023


HINDI PALA BABANGON, AT SA HALIP MAS LALONG LULUBOG ANG ‘PINAS SA MARCOS ADMIN -- Bukod sa pagkabaon ng Pilipinas sa utang, ay may plano raw ang Marcos administration na ibenta ang ilang ari-arian ng Philippine gov’t.


Kung ganu’n, ang dami palang “nabudol,” mga nasa 31M botanteng Pinoy, kasi akala nila babangon na ang ‘Pinas, ‘yun pala mas lalong lulubog sa ilalim ng Marcos admin, boom!


◘◘◘


STATEMENT NI SEN. DELA ROSA NA ‘DON’T PANIC MGA PILIPINO, UTANG LANG ‘YAN’ BAKA MAGING SANHI PARA MATALO SIYA SA 2025 ELECTIONS -- Pinuna nina minority leader Sen. Koko Pimentel at Sen. Risa Hontiveros ang sablay na statement ni Sen. Ronald dela Rosa na, “Don’t panic mga Pilipino, utang lang ‘yan”, patungkol sa laki ng utang ng ‘Pinas, kasi para kina Sen. Koko at Sen. Risa ay hindi dapat balewalain dahil masyadong nakakabahala na ang labis na pagkabaon sa utang ng bansa.


Dapat sa susunod, bago magbitaw nang salita si Sen. Dela Rosa ay dapat isipin muna niya kung tama o mali ang sasabihin niya sa publiko lalu’t re-electionist senator siya, kasi sa totoo lang, ang kanyang sinabing, “Don’t panic mga Pilipino, utang lang ‘yan” ay maging sanhi para matalo siya sa 2025 senatorial elections, period!


◘◘◘


DAHIL WALA NANG MURANG NFA RICE KAYA’T DAPAT BUWAGIN NA ANG NFA -- Ayon sa farmers organization na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga imported rice ay dapat daw buwagin na ang National Food Authority (NFA) kasi mas nakatuon daw ang ahensyang ito sa pagbili ng mga imported rice kaysa bilihin sa tamang presyo ang aning palay ng mga magsasakang Pinoy.


May punto ang SINAG sa statement nilang ‘yan, at tutal wala na rin lang sa merkado ang murang NFA rice na dati’y nabibili sa halagang P27 hanggang P32 per kilo, ay dapat na ngang buwagin na ‘yang NFA, boom!


◘◘◘


IMBES SIBAKIN, INILIPAT LANG NG PUWESTO ANG MGA PARAK NA SANGKOT SA PAGKAKAPATAY KAY JEMBOY BALTAZAR -- Ang hepe ng Navotas City police at ang 21 niyang tauhang pulis ay ni-reassign o inilipat ng puwesto kaugnay sa pagkakapatay ng mga parak sa 17-anyos na binatilyo na si Jemboy Baltazar.


Pambihira naman, imbes na sibakin sa serbisyo ang mga parak na ‘yan na sangkot sa pagpatay kay Jemboy, ay inilipat lang ng puwesto, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page