300 estudyante, iskolar ng San Mig Corp.

ni Zel Fernandez | April 26, 2022

Inilunsad ng San Miguel Corporation (SMC) ang bago nitong youth development program para sa edukasyon ng mga kabataang nagmula sa mahihirap na pamilyang nakatira malapit sa ilang development sites nito.
Ayon kay SMC President Ramon Ang, sa ilalim ng handog nilang educational assistance program, tinatayang aabot sa 300 elementary, junior high, senior high, at college students ang makikinabang mula sa mga komunidad sa Bulacan, Quezon Province, Batangas, at General Santos City.
Sa probinsiya ng Sariaya, Quezon unang isinagawa ang naturang programa kung saan nagtayo ang SMC ng isang model sustainable housing relocation village, na kumpleto sa disaster-resilient homes, recreation at learning facilities, complementary fishermen’s dock, multi-purpose center, at mayroon ding pamilihan.
Kasalukuyan na itong pinakikinabanagan ng 43 mag-aaral sa Sariaya, habang ang kanilang mga magulang ay isinailalim naman sa training ng SMC, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Samantala, patuloy ang pagsulong ng SMC Education Assistance Program para abutin ang mga benepisyaryong mag-aaral mula sa Bulakan, Bulacan; Calatagan, Batangas at sa General Santos.





Comments