300 bahay, nasunog sa Parañaque

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 28, 2024

Natupok ng sunog ang humigit-kumulang sa 300 bahay sa isang residential area sa Barangay San Isidro, Parañaque City, ayon sa ulat ngayong Miyerkules.
Noong Martes ng gabi, itinaas ng mga otoridad ang unang fire alarm patungo sa ikaapat na fire alarm habang mabilis na kumakalat ang apoy sa lugar at naapula matapos ang ilang oras.
Umabot sa halos P800,000 ang tinatayang halaga ng pinsalang naidulot sa mga ari-arian.
Naharap din ang mga bumbero sa ilang mga pagsubok dahil malapit ang lugar sa Manila Memorial Park at kinailangan ang ilan sa kanila na dumaan sa isang ilog.
Nagsasagawa naman ang Bureau of Fire Protection ng imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng sunog.





Comments