30 sibilyan todas sa pag-atake ng militante

ni J. Repol | April 16, 2023

Tinodas ng mga pinaghihinalaang militante ang hindi bababa sa 30 sibilyan sa isang pagsalakay sa nayon sa northeastern ng Ituri province ng Democratic Republic of Congo.
Ayon sa tagapagsalita ng Army na si Jules Ngongo Tshikudi, kumpirmado ang pag-atake sa Banyali Kilo na isang distrito sa Ituri at nagsasagawa pa ang mga otoridad ng search and rescue operation.
Sinunog umano ng mga militante ang ilang bahay, ninakaw ang ari-arian at pinatay ang nasa 30 katao.
Una nang idineklara ng gobyerno ang state of siege sa Ituri at kalapit na lalawigan ng North Kivu noong 2021, sa pagtatangkang pigilan ang talamak na karahasan ng militia sa malawak na silangan na mayaman sa mineral ngunit ang mga pagpatay at aktibidad ng mga rebelde sa Congo ay hindi umano nagpakita ng anumang senyales ng paghina o pagbaba ng krimen.





Comments