30-day extension sa regularisasyon ng ride-hailing services — LTFRB

by Mervin Reyes @News | November 8, 2026

Photo: File / LTFRB
Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang deadline ng aplikasyon para sa regularisasyon ng mga ride-hailing service na nasa temporary o “tempo” status.
Ayon sa LTFRB, alinsunod ito sa direktiba ni Transportation Secretary Vince Dizon upang matulungan ang libu-libong Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver na makakuha ng legal na awtorisasyon.
Ang “tempo” ay tumutukoy sa mga TNVS unit na isinama sa digital platforms ng Transport Network Companies (TNC) kahit wala pang pahintulot mula sa LTFRB.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, umabot na sa 13,216 ang aplikasyon, kung saan 5,091 ang nabigyan ng provisional authority.
Hinimok ni LTFRB acting chairman Greg Pua Jr. ang mga aplikante na kumpletuhin ang kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa pagproseso.





Comments