3 todas sa Israeli force vs. Palestinian militants
- BULGAR

- Mar 14, 2023
- 1 min read
ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 14, 2023

ISRAEL — Tatlong militanteng Palestinian ang patay matapos paputukan ng Israeli troops malapit sa West Bank, siyudad ng Nablus noong Linggo.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), isang armadong gunman ang sinuko ang sarili at agad na inilipat ng mga security personal para i-“question.” Nakumpiska rin ang tatlong M-16 rifle, isang baril, at mga bala matapos ang pamamaril.
Samantala, base naman sa pahayag ng Associated Press, natukoy ang mga gunmen na miyembro ng Al-Aqsa Martyrs Brigade, militanteng grupo na konektado sa Palestinian President Mahmoud Abbas’ Fatah party.





Comments