3 tirador ng mga gamit sa DPWH pumping station, timbog

ni Gina Plenago @News | October 17, 2026

Photo: Si Sec. Vince Dizon sa pag-inspeksyon sa pagnanakaw ng specialized cable sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo - DPWH File
Arestado ang dalawang helper at isang parking attendant na sangkot umano sa pagnanakaw ng P183,000 halaga ng electrical equipment sa Department of Public Works and Highways (DPWH) pumping station sa Pasay City.
Kinilala ang mga suspek sa alyas Wilmar, 46; Dream Boy, 34; at Marcelo, 47, na nahaharap sa kasong theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code.
Ayon sa pulisya, iniulat noong Oktubre 14 ang pagkawala ng circuit breaker, mga kable, control wiring system, at busbar fittings sa pasilidad.
Matapos ang imbestigasyon, naaresto ang tatlo sa magkakahiwalay na operasyon noong Oktubre 15.
Patuloy namang pinaghahanap ang ikaapat na suspek na si alyas Panciano, 48, isa ring helper sa pumping station.





Comments