3 Sparkle love teams, magpapakilig sa TikTok series

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 14, 2024

Inilabas ng Sparkle ang tatlong bagong love teams para sa kanilang TikTok Kilig Series na sakto para sa Valentine's Day.
Ipinakita ng talent management ng GMA ang mga skit na tampok sina Allen Ansay at Sofia Pablo (AlFia), Marco Masa at Ashley Sarmiento (AshCo), at Bryce Eusebio at Princess Aliyah (PrYce). Makikita sila sa official TikTok account ng Sparkle hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Ang TikTok Kilig Series ng Sparkle ay isang serye na maikli, nakakatawa at puno ng kilig na mga skit.
Masasaksihan ang koneksiyon nina Sarmiento at Masa sa "Secret Notes" na ipinapalabas hanggang ngayong araw, Pebrero 14.
Inaasahan din ng mga tagahanga at kapwa gamers na magkaroon ng pag-asa ang pagkakaibigan nina Aliyah at Eusebio sa "Beyond the Game" na ipapalabas mula Pebrero 16 hanggang 22.
Sa wakas, tampok din sa "Mystery Girl" ng Sparkle sina Pablo at Ansay na ipapalabas mula Pebrero 24 hanggang 29.
Sina Sarmiento at Masa ay isa sa mga unang naging bahagi ng Sparkle Teens. Sinimulan nila ang kanilang karera bilang mga child stars.
Habang sina Aliyah at Eusebio, na kilala bilang PrYce, ay kasama rin sa Sparkle Teens. Ngayon, habang lumalabas sila sa kanilang comfort zone, sinusubukan nila ang chemistry ng pagiging isang love team.
Kasalukuyan namang isa sa pinakasikat na love teams sina Sofia Pablo at Allen Ansay na kilala bilang AlFia o Team Jolly.





Comments