top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

3 sasakyan nagkarambola, 4 sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

by Mervin Reyes @News | August 23, 2026



Karambola aksidenta sa Shaw Blvd. - Barangay Wack-Wack Greenhills East

Photo: Barangay Wack-Wack Greenhills East



Apat katao ang sugatan sa karambola ng AUV, sedan at motorsiklo sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, pasado alas-11 ng gabi noong Biyernes, Agosto 21.


Nagkalat sa kalsada ang mga basag na salamin, habang wasak ang unahan ng puting sedan na bumangga sa poste ng ilaw sa center island.


“Ang nadatnan po namin is 'yung isa pong pasyente. Isa po siyang motorcycle driver. Siya po 'yung ipinasok namin sa ambulansya namin,” ani LJ Macasinag, rescuer ng Brgy. Wack-Wack Greenhills East.


Ayon sa isang security guard na nakasaksi sa insidente, biglaan at mabilis ang pangyayari.


“Nakaupo po ako doon bandang mga 11:45, sobrang bilis po ng nangyari. Pagtingin ko ulit, 'yung motor, 'yung dalawang sakay, parang lumipad sila,” kuwento ni Joselito Belga.


Ayon pa kay Belga, napunta sa ilalim ng isang sasakyan ang angkas ng motorsiklo matapos ang banggaan.


Hindi pa malinaw ang eksaktong sanhi ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page