3 puganteng Chinese, arestado — BI
ni Lolet Abania | January 20, 2023

Tatlong Chinese national ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit na mga pugante umano sa kanilang bansa.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, nakatanggap ang gobyerno ng impormasyon mula sa Chinese authorities na mayroong tatlong pugante na nagtatago sa bansa.
“Sila po ay mga fugitives sa kanilang bansa. Dito po sila nagtatago upang takasan ang pananagutan nila doon sa kanilang bansa,” sabi ni Sandoval sa public briefing ngayong Biyernes.
Sinabi ni Sandoval na ang tatlong Chinese national ay nakadetine na ngayon sa boarding facility ng ahensiya sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Gayundin aniya, kasalukuyan nang pinoproseso ang deportation ng mga ito.
“Immediately po ‘yan, lalong-lalo po itong fugitives. We really prioritize the deportation of these fugitives so they will be able to face justice doon po sa kanilang mga bansang pinanggalingan,” saad pa ni Sandoval.





Comments