top of page
Anne Curtis-Smith - IG.jpg

3 patay, sugatan tumaas na 20... 15-anyos na namaril, patung-patong ang kaso 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 25, 2026



3 patay, sugatan tumaas na 20... 15-anyos na namaril, patung-patong ang kaso 

Photo: Circulated



Nagsampa na ng reklamo ang pulisya ng tatlong bilang ng kasong murder laban sa 15-anyos na suspek sa madugong pamamaril sa loob ng San Jose National High School (SJNHS) sa Tacloban City.


Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) Public Information Chief Col. Allen Rae Co sa isang pulong balitaan sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.


Ayon kay Co, nahaharap din ang 15-anyos na nakilala sa alyas na “Rod,” sa iba pang mga kaso gaya ng frustrated murder at serious physical injuries kaugnay ng insidente.


Sa kasalukuyan, kapwa nasa kustodiya ng pulisya at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor-de-edad na suspek.


Sa ilalim ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, ang mga batang may edad na 15 taong gulang pababa ay hindi mananagot sa kasong kriminal at sa halip ay sasailalim sa mga intervention program.


Nakasaad din sa batas na ang mga batang higit sa 15 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang ay maaari lamang managot sa kriminal na kaso kung mapapatunayang kumilos sila nang may discernment o sapat na pag-unawa sa kanilang ginawa. 


Samantala, umabot na sa 20 ang naitalang nasugatan sa malagim na insidente.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page