top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

3 patay, 6 sugatan sa salpukan ng mga sasakyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 1, 2023




Patay ang tatlo katao habang anim ang sugatan matapos maaksidente sa Calamba City, Laguna kaninang madaling-araw.


Base sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), kinilala ang mga nasawing biktima bilang si Gilbert Palupit, ang driver ng tricycle, at ang kanyang mga pasahero na sina Aileen Palupit at Maria Aleisha Gale Palupit.


Kinilala naman ang mga sugatan na si John Rey San Juan, driver ng motorsiklo, at ang kanyang pasahero na si Myla San Juan Alorro; kasama rin ang iba pang pasahero ng tricycle na sina Akisha Gillen Palupit, Allyssa Joy Palupit, at Ayesha Gillian Palupit; at ang pasahero ng pickup truck na si Clay John Nieto Tianzon.


Nasa ilalim na ng kustodiya ng mga pulis ang driver ng pickup truck na si Alyssa Mae Pacrin Abitria.


Sinabi ng PRO 4A na mga bandang 3 a.m. nang mangyari ang aksidente, kung saan naglalakbay ang motorsiklo at tricycle mula sa Barangay Halang patungo sa Barangay Pansol, habang mula sa kabilang direksyon ang pickup truck.


Nangyari ang aksidente nang pumasok ang pickup truck sa kanilang lane, na naging sanhi ng pagkakabangga.


Nahulog sa kalsada at nagkaroon ng malalang sugat ang mga driver at pasahero ng motorsiklo at tricycle.


Agad silang dinala sa JP Rizal Hospital, ngunit agad namatay ang driver ng tricycle na si Gilbert.


Ayon sa ulat, idineklara nang patay noong 5:13 a.m. at 5:37 a.m. sina Aileen at Aleisha.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page