3 patay, 52 sugatan sa pambobomba sa Ukraine
- BULGAR
- Jun 23, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | June 23, 2024

Napulbos ang gusali sa pangalawang pinakamalaking lungsod ng Ukraine nu'ng Sabado, na ikinasawi ng tatlong tao, ikinasugat ng 52, at nag-udyok kay Pres. Volodymyr Zelenskiy na humirit ng mas maraming tulong upang harapin ang mga pag-atake.
Kumalat din online ang mga larawan ng limang-palapag na gusalingvna wasak dahil sa nasabing pag-atake.
Iniulat ng mga prosecutors sa rehiyon ng eastern Kharkiv sa Ukraine na kabilang ang tatlong bata sa mga nasugatan sa pambobomba.
Nagpahayag naman ang Gobernador ng lugar na si Oleh Syniehubov na apat sa mga nasugatan ang nasa malubhang kalagayan.
"This Russian terror through guided bombs must be stopped and can be stopped. We need strong decisions from our partners to enable us to stop the Russian terrorists and Russian military aviation right where they are," saad ni Zelenskiy sa Telegram.
Kalaunan, sa kanyang ginawang video address nu'ng gabi, sinabi ni Zelenskiy na gumamit ang mga pwersa ng Russia ng mahigit 2,400 na bomba sa mga Ukrainian targets nitong Hunyo lamang, kung saan humigit-kumulang 700 ang tumama sa Kharkiv.





Comments