top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 patay, 4 sugatan sa hagupit ni ‘Florita’ – NDRRMC

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 25, 2022



Tatlo ang naitalang nasawi habang 4 ang nasaktan sa hagupit ng Severe Tropical Storm Florita, batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes.


Ayon sa latest bulletin na inisyu ng NDRRMC, dalawa sa nakumpirmang namatay ay isang 63-anyos na lalaki mula sa Cagayan province at isang 56-anyos na lalaki mula sa Pinukpuk, Kalinga. Kapwa sila nasawi matapos na tamaan ng bumagsak na puno.


Bina-validate naman ang ikatlong naitalang nasawi na isang 32-anyos na lalaki na naiulat na nalunod sa Bato, Camarines Sur.


Gayundin, nai-report ng NDRRMC ang 4 na nasaktan dahil sa Bagyong Florita, kung saan tatlo sa kanila ay mula sa Cagayan province. Ang mga biktima ay nasugatan matapos na tamaan ng bumagsak na puno at debris. Habang ang isang nasugatan mula sa Bato, Camarines Sur ay bina-validate pa.


Ayon sa NDRRMC, nasa 47,000 katao o 11,900 pamilya ang apektado ng Bagyong Florita mula sa buong 15 lalawigan at 5 rehiyon.


Gayundin, tinatayang nasa 10,300 indibidwal ang na-displaced o nawalan ng tirahan dahil kay ‘Florita’ na karamihan sa kanila ay pansamantalang nanunuluyan sa 129 evacuation centers.


Napinsala din ng Bagyong Florita ang tinatayang 30 kabahayan habang nawalan ng kuryente sa 46 mga lungsod at bayan.


Ilang 44 road sections at 14 bridge sections ang apektado rin ng bagyo, kung 54 porsiyento sa mga ito ay hindi pa rin passable o madaanan.


Gayunman, ayon sa NDRRMC, ang gobyerno ay naglaan ng nasa P4.8 milyon halaga ng assistance para sa mga naka-survive sa naturang bagyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page