top of page

3 patay, 10 sugatan sa pamamaril sa supermarket

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2024
  • 1 min read

Updated: Jun 24, 2024

ni Eli San Miguel @World News | June 22, 2024


FIle Photo

Namatay ang tatlong sibilyan at 10 iba pa ang sugatan, kabilang ang dalawang pulis, sa pamamaril ng isang gunman sa supermarket sa Arkansas noong Biyernes.


Inihayag ni Arkansas State Police Director Mike Hagar sa mga reporter na nasugatan din ang suspek sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa pamamaril na si Travis Eugene Posey, 44-anyos, taga-New Edinburg, isang komunidad na 10 milya sa timog-silangan ng Fordyce.


Naganap ang pamamaril sa Mad Butcher grocery sa Fordyce, isang bayan na may 3,200 katao mga 70 milya (112 km) sa timog ng Little Rock.


Inaasahan namang mabubuhay ang mga sugatang pulis at ang suspek, ayon kay Hagar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page