top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 pa tinutugis — Remulla.. Utak sa Degamo killing, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2023
  • 1 min read

ni Madel Moratillo | April 1, 2023




Inanunsyo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na naaresto na ang isa sa mga itinuturing na utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.


Ayon kay Remulla, 99% nang naresolba ang kaso ng pamamaslang kay Degamo.


Ang nasabing mastermind ay naaresto umano ng National Bureau of Investigation habang papatakas sa hindi tinukoy na lugar.


Ang nasabing suspek ay nabanggit na rin aniya ng ibang mga suspek sa kaso.


Sa ngayon, nasa 11 hanggang 12 suspek na ang nasa kustodiya ng NBI.


Sinabi ng Kalihim na may 2 hanggang 3 utak sa krimen ang pinaghahanap pa ng mga awtoridad.


Ani Remulla, pulitika ang nakikita nilang motibo sa krimen.


Hawak na rin ng ng DOJ ang waiver of confidentiality ni dating Governor Pryde Teves para mabuksan ang bank accounts at phone records nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page