top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

3 nahulog sa carnival ride, nasugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 2, 2022



Tatlong indibidwal, kabilang ang isang bata, ang nasugatan matapos na mahulog mula sa isang amusement ride sa isang carnival sa Masinloc, Zambales.


Batay sa GMA News report nitong Martes, kabilang sa mga biktima ang isang nanay at kanyang 2-taong gulang na anak.


Agad dinala ang mga biktima sa ospital para gamutin ang kanilang mga sugat.


Ayon sa pamunuan ng carnival, handa silang sagutin ang mga gastos sa pagpapagamot ng mga biktima.


Base sa imbestigasyon ng pulisya, isa screw ng ride ang lumuwag na naging dahilan naman para ito madiskaril.


Sinuspinde na rin ng carnival ang kanilang operasyon habang patuloy ang imbestigasyon. Gayunman, wala pang ibinigay na pahayag ang pamunuan ng carnival tungkol sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page