top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 mag-uutol, sex slave ng stepdad

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2023
1 min read

ni Mylene Alfonso | March 9, 2023




Dakip ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 43-anyos na security guard na nangmolestiya umano sa tatlo niyang stepdaughter, kamakalawa ng hapon sa loob ng World Center sa Gil Puyat Avenue, Makati City.


Ayon kay PMajor Edward Samonte, hepe ng SMaRT, ang suspek na si Mardy Sanchez ng Pasig City, ay naaresto alas-4:30 ng hapon sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Pasig City Presiding Judge Carmencita V P. Lacandazo Logan, ng Branch 12 na may petsang Marso 3, 2023.


Ang warrant of arrest ay may kinalaman sa four counts ng kasong Sexual Abuse under Sec. 5 (b) of R.A 7610 kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Nabatid na bukod sa nabanggit na kaso ay may dalawa pang kaso ng rape ang nakasampa sa suspek.


Sa rebelasyon ng magkakapatid kay Samonte, menor-de-edad pa lamang nang sila ay pagsamantalahan ng suspek noong 2007 hanggang 2010 matapos nitong pakisamahan ang kanilang ina.


Nakapagreklamo lamang umano sila laban sa suspek nang lumayas sila sa poder ng ina at dito nila nadiskubre na lahat sila ay minolestiya ng suspek.


Gayunman, nalaman na naghiwalay na rin ang kanilang ina at ang suspek noong 2015 at nakisama ang suspek sa ibang babae.


Nakadetine sa SMaRT ang suspek habang hinihintay ang disposisyon ng korte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page