3 katao, todas sa virus

ni Loraine Fuasan (OST) | March 31, 2023

WEST AFRICA — Patay ang tatlo katao sa isang misteryosong virus na nagdudulot ng nosebleed sa bayan ng Burundi.
Ayon sa ulat ng local media, matapos mahawaan ang 2 biktima ng nasabing virus, agad silang inilipat sa Migwa Health Center para magpagamot.
Nagpahayag ang isang Migwa Health Center nurse na ang sakit ay "mabilis makamatay".
Dagdag pa niya, ang pagkamatay ng tatlong biktima ay umabot lang ng 24 oras.
Inalis na ng Burundian Ministry of Health ang Ebola at Marburg sa pagsusuri at tinitingnan pang mabuti ang virus, na lumilitaw na isang nakahahawang hemorrhagic bug.
Ang mga sintomas ng hindi pa tukoy na virus ay lagnat, pananakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka.
Samantala, agad din isinailalim sa quarantine ang lugar matapos kumalat ang nasabing bug. Patuloy naman ang aksyon ng public health authorities upang masugpo ito.





Comments