3 HVT, nasakote sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Pebrero 11, 2024
ILOILO -- Tatlong High-Value Target (HVT) sa droga ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Rizal, Lapaz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rogie Argamaso, Roel Raymundo at Arnel Rivera, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Nabatid na naaresto ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 19 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya ang mga suspek ng dakpin sila sa naturang lugar.





Comments