3 dedo, 2 sugatan sa pamamaril

Updated: Apr 19, 2023
ni Carlos S. Corpuz (OST) | April 12, 2023

Puerto Rico — Tatlo ang patay habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa teritoryo ng U.S. sa nasabing bansa.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente sa isang sulok na tindahan sa katimugang baybaying bayan ng Guayama.
Naisugod ang dalawang sugatang biktima subalit, saad ng pulisya hindi nila tukoy ang kalagayan nito.
Hindi malinaw ang dahilan ng pamamaril.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 140 kaso ng pagpatay sa isla, kumpara sa 171 naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.





Comments